-- Advertisements --

Natagpuang patay ang dating miyembro ng grupong One Direction na si Liam Payne.

Ayon sa mga otoridad na nahulog umano ang 31-anyos na singer sa kaniyang hotel na tinutuluyan sa Buenos Aires.

Nakita ng mga tao doon na nahulog mula sa ikatlong palapag ng kaniyang tinutuluyang kuwarto sa CasaSur Palermo Hotel.

Nasa Argentina ang singer para sa Niall Horan concert ngayong buwan kung saan nakatakda sana silang magkaroon ng reunion sa nasabing show.

Nasa edad 16 pa lamang si Liam ng sumali sa One Direction

Sumikat ang grupo noong 2010 dahil sa pagsali sa “The X-Factor” hanggang sila ay naghiwalay noong 2015.

Taong 2021 ng ibinunyag ni Liam na nagkakaroon ito ng addiction sa pag-inom at droga kung saan makailang beses na rin itong nagtangkang magpakamatay.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad sa Argentina kung aksidente o sinadya ang pagkakahulog ng singer.