-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naghahanda na si Team Lakay Fighter at dating Flyweight Champion Geje “The Gravity” Eustaquio sa nalalapit nitong laban kontra kay Kim Kyu Sung ng South Korea.
Nakatakdang maghaharap ang dalawang fighter sa gaganaping One: “Enter the Dragon” Championship sa Singapore sa Mayo 17.
Ayon kay Eustaquio, puspusan ang kanyang paghahanda at araw-araw siyang nag-eensayo para ikondisyon ang kanyang katawan.
Dagdag pa nito may nakahanda siyang estratehiya kontra sa Koreanong makakalaban .
Naniniwala si Eustaquio makukuha niya ang kampeonato sa nasabing kompetisyon at naniniwala siyang susuportahan siya ng kanyang mga kababayan sa Cordillera.