-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nabigo si dating ONE lightweight champ Eduard Folayang na maipanalo ang pangatlong pagharap nila ng Japanese jiu-jitsu expert na i Shinya Aoki sa lead card ng ONE on TNT IV na ginanap kaninang umaga sa Singapore Indoor Stadium.

Talo ang 36-anyos na si Folayang sa pamamagitan ng “submission” partikular ng arm bar kung saan pinahinto ng referee ang laban sa 4:20 mark ng first round.

Nagawa ng Pinoy mixed martial arts icon na maiwasan ang mga initial submission attempts ni Aoki ngunit nagawa ng Japanese veteran na ma-take down si Folayang, kung saan dito na niya pinangunahan ang laban.

Nakapagpatama pa si Aoki ng strikes kay Folayang hanggang sa makontrol niya ang braso ng Pinoy fighter na nagresulta sa pag-tap out nito.

Inamin naman ni Folayang sa kanyang post-fight interview na pinaghandaan niya ang takedown ni Aoki ngunit para itong ahas na napaka-kalmado sa ground.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Igorot fighter na may rekord na 22-11, habang napaganda naman ni Aoki ang rekord nito sa 47-9.