-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Ikinalungkot ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Sec. Jess Dureza ang pagpanaw ng kaibigan niyang si Gina Lopez.

Sinabi ni Dureza sa panayam ng Bombo Radyo Gensan na naging malapit sila ni Lopez nang maging cabinet member ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maituturing aniyang environmentalist by heart si Lopez dahil sa mismong bahay nito ay napakarami tanim na mga punong kahoy.

Bagamat sumakabilang buhay na si Lopez, kailanman ay hindi naman daw makakalimutan ng publiko ang legasiya nito sa pagprotekta ng kalikasan.