-- Advertisements --
pervez musharraf
Ex-Pakistan President Pervez Musharraf during the World Economic Forum in 2008
(photo courtesy from Remy Steinegger/Wiki)

Hinatulan nang parusang kamatayan ang dating lider ng militar at dating presidente ng Pakistan na si General Pervez Musharraf matapos mapatunayan ng three-member court sa Islamabad nang umano’y pagtataksil sa sariling bansa noong taong 2013.

May kaugnayan ang nasabing kaso noong suspendihin ni Musharraf ang Constitution sa Pakistan at magpataw ng emergency rule na nagdulot ng malawakang kilos-protesta sa nasabing bansa noong 2007.

Taong 2018 nang magbitiw sa pwesto si Musharraf upang maiwasan daw ang impeachment na iniluluto ng ilang mambabatas laban sa kaniya.

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya nakaligtas mula sa bagong iniluklok na prime minister noong 2013 kung saan pinangunahan ni Nawaz Sharif ang paglilitis laban sa dating pinuno.

Mariin namang itinanggi ni Musharraf ang mga akusasyon laban sa kaniya ngunit hindi ito pinansin ng korte at nagpatuloy pa rin sila sa imbestigasyon.

Umupo bilang presidente ng Pakistan si Musharraf noong 2001 hanggang 2008.

Kasalukuyang nasa Dubai ang 76-anyos na dating lider matapos payagang umalis ng Pakistan upang doon magpagamot noong 2016.

Mas lalong naging tanyag si Musharraf sa publiko dahil sa pagsuporta nito sa 9/11 attack na ikinamatay ng libu-libong katao sa New York.