-- Advertisements --

Sugatan si dating Pakistan prime minister Imran Khan matapos na mabaril habang nasa isang kilos protesta.

Pinangunahan ng 70-anyos na si Khan ang kilos protesta sa Islamabad at nanawagan ng snap election matapos na siya ay patalsikin sa puwesto noong Abri.

Sugatan din sa insidente ang apat na katao kung saan sinasabing target na barilin si Khan.

Itinakbo na sa pagamutan si Khan matapos tamaan sa paa at ito ay nasa mabuting kalagayan na.

Naaresto na ng mga kapulisan ang suspek at inamin nito na target nila si Khan.