-- Advertisements --

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Palawan Governor Joel Reyes.

Si Reyes ang siyang nasa likod ng pagpaslang sa broadcast journalist na si Gerry Ortega noong 2011.

Kinumpirma ito ng The Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagsuko ni Reyes.

Ang broadcast jounalist ay kilalang kritiko ng gobyerno laban sa kurapsyon noong panahon ni Reyes.

Noong nakaraang taon ay naglabas ng arrest warrant laban kay Reyes ang regional trial court sa Puerto Princesa.

Pinirmahan ni Palawan RTC Branch 52 Presiding Judge Angelo Arizala ang arrest warrant noong Hulyo 20, 2023 matapos na ilabas ng Supreme Court first division ang ruling nito noong Marso 29, 2023 na nag-aatas ng pag-aresto kay Reyes para sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kaniyang kasong pagpatay.