-- Advertisements --
Nakatakdang mapalaya na sa pagkakabilanggo si dating Paralympic champion Oscar Pistorius.
Nabigyan ito ng parole matapos ang halos 11 taon ng makulong dahil sa pagpatay sa kaniyang kasintahan na si Reeva Steenkamp.
Itinakda ng parole board sa Enero 5, 2024 ang pagpapalaya kay Pistorius.
Magugunitang noong Pebrero 14, 2013 ng nabaril nito ang kaniyang kasintahan matapos na mapagkamalang magnanakaw na pumasok sa kaniyang bahay.