-- Advertisements --

Nagbaril sa sarili ang dating miyembro ng parliyamento sa Malawi na si Clement Chiwaya.

Isinagawa mismo nito ang pamamaril sa loob ng parliament building.

Sinabi ni Malawi Police Service spokesman James Kadadzera na kanilang inaalam kung paano nakapagpuslit ng baril si Chiwaya.

Isa aniyang tinitignan nilang paraan kung bakit nakapagpuslit ito ng baril ay maaring inilagay nito sa kaniyang wheelchair kaya hindi na-detect ng kanilang metal detector.

Ang 50-anyos na si Chiwaya ay tatlong termino na naging miyembro ng Malawian parliament mula 2004 – 2019.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging motibo nito at dinoble na rin nila ang seguridad sa gusali.