CEBU CITY – Hindi makapaniwala ang Cebuano hotshot at ngayon Cebu City councilor Dondon Hontiveros sa pagkamatay ni Kobe Bryant.
▶Hollywood sa pagpanaw ng The Black Mamba: ‘Gone too soon’
▶‘Kobe Bryant napakapropesyunal, walang kaarte-arte kapag kausap’ – sports columnist
▶Basketball great Michael Jordan nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ‘little brother’
▶NBA legend Kobe Bryant at 13-anyos na anak, kasama sa 9 namatay sa helicopter crash sa California
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Hontiveros, sinabi nitong hindi maganda ang kanyang umaga nang malaman ang para sa kanya ay napakalungkot na balita.
Inalala ni Hontiveros ang one-on-one nila ng tinaguriang Black Mamba noong NBA lockout na isinagawa rito sa Pilipinas.
Aniya, isang napakagaling na basketball player ni Bryant at isang karangalan na nakapaglaro siya sa basketball court kasama ang kanyang idolo.
Dagdag pa ng ex-PBA player, sinabi nitong napaka-mapagpakumbaba na tao ni Kobe at walang kaarte-arte.
Abot langit din umano ang kanyang kaligayahan nang ibinigay ng Black Mamba ang jersey nito sa kanya na magpahanggang ngayon ay kanyang pinapahalagahan.
Gayundin ang kanyang driver na siyang nakakuha ng sapatos ni Kobe.
Giit ni Hontiveros na napakalaking kawalan ni Bryant sa larangan ng basketball kahit na una na itong nagretiro noong 2016.
Mananatili umanong alamat si Kobe sa lahat ng mga basketball players.
Isang rin aniyang napakalaking inspirasyon sa mga naghahangad na maging matagumpay na manlalaro katulad ng Black Mamba.