-- Advertisements --

Itinalaga bilang officer-in-charge ng Philippine Sports Commission (PSC) si PBA legend Ramon Fernandez.

Kasunod ito ng pagliban pansamantala ni PSC chairman William “Butch” Ramirez dahil sa pagiging abala ito sa pag-alaga sa asawa nitong maysakit na diabetis na sumailalim sa gall bladder.

Agad naman makikipagpulong si Fernandez sa kapwa commissioners nito na sina Celia Kiram, Charles Maxey at Engr. Arnold Agustin para maplantsa ang anumang proyekto.

Isa rito ang gagawing paghahanda ng mga atleta na sasabak sa Olympics.