-- Advertisements --
Inanunsiyo ng dating PBA player Rico Maierhofer ang kaniyang pagreretiro.
Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng kaniyang larawan at mga award na kaniyang natanggap.
Pinasalamatan din ng 33-anyos na manlalaoro ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga opisyal.
Nakasama ito ng makuha ng Green Archers ang UAAP Championship at naging overall number 2 pick ng Purefoods noong 2009 PBA draft.
Matapos na makuha ang Rookie of the Year ay nagpalipat-lipat ito ng koponan gaya ng San Miguel, Ginebra, Barako Bull at GlobalPort.
Huling naglaro ito sa San Miguel Alab Pilipinas na nakuha ang kampeonato noong panahon ni Jimmy Alapag.
Ayon sa 6-foot-6 forward na kaya siya nagretiro ay dahil sa mga injury nitong natamo.