Magsisilbing guest candidate ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP–Laban) ang dating executive secretary ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na si Atty Vic Rodriguez.
Si Rodriguez ay naghain kahapon (Oct. 8) ng kaniyang kandidatura sa pagka-Senador sa ilalim ng PDP-Laban.
Maalalang si Rodriguez ang nagsilbing spokesperson at chief of staff noong kumakandidato pa lamang si Marcos para sa pagka-Pangulo noong 2022.
Matapos manalo si Marcos noong May 2022 elections, si Rodriguez ang isa sa mga nanguna sa kanyang transition team, kasama na ang pagbuo ng kanyang gabinete.
Noong pormal na naupo si PBBM, naging Executive Secretary na si Rodriguez ngunit agad ding nag-resign matapos ang mahigit tatlong buwan na paninilbihan.
Samantala, ang PDP-Laban kung saan tumatakbo ang dating Marcos appointee ay ang partido ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Sa kabilang banda, maglalaban naman sa pagka-Alkalde ng Davao City ang dating pangulo at kanyang dating cabinet secretary.
Naghain ng kandidatura si dating PRRD para kumandidato bilang alkalde ng Davao at sinundan ito ni dating CabSec. Karlo Nograles.
Dahil dito, paglalabanan ng dating Chief Executive at kanyang dating appointee ang lungsod ng Davao.