-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na naaresto nila si dating Presidential Commission on Good Government chairman Camilo Sabio dahi sa graft conviction nito.
Ayon sa NBI, nitong Biyernes ay inaresto si Sabio sa kaniyang bahay dahil sa Bench Warrant of Arrest na inilabas ng Sandiganbayan Fourth Division.
Nagbunsod ang kaso dahil sa pagtatangka nitong impluwensiyahan ang desisyon ng kaniyang kapatid na si Court of Appeals Justice Jose Sabio Jr sa kasong kinasasangkutan ng Government Service Insurance System (GSIS) at Meralco.
Dinala ng NBI si Sabio sa Sandiganbayan subalit ito ay sarado dahil sa ginagawang sanitation kaya ibinalik ito sa NBI Detention Center at nakatakdang dalhin muli sa nasabing anti-graft court.