Hinatulang guilty ng Korte Suprema si dating Presidential Commission on Good Government Chair Camilo Sabio sa kasong Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Nag-ugat ang kasong ito matapos umanong mangialam sa kaso ng Meralco-GSIS na dinidinig ng kanyang kapatid na si Court of Appeals Justice Jose Sabio Jr.
Batay sa naging desisyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura nito ang inihaing petition for review on certiorari ni Camilo L. Sabio.
Ang petisyong ito ay kumikwestyon sa naging desisyon ng CA ng hatulang guilty ang dating opisyal na si Sabio sa kasong Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Dahil dito ay kinansela ng Korte Suprema ang civil service eligibility ni Sabio at wala na rin itong makukuha na anumang retirement benefit.