-- Advertisements --

Pumanaw ang dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member at whistleblower Sandra Cam sa edad na 64.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Mac Mac ang pagpanawni Cam o Sandra Abaño Martinez-Cam nitong Abril 10,2025.

Hindi na binanggit pa nito ang sanhi ng kamatayan ng ina.

Taong 2020 ng nahaharap ito sa kasong murder dahil sa iniuugnay ito sa pagpatay kay dating Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III subalit ang kaso ay naibasura noong 2023.

Noong 2005 ay ibinunyag niya na siya ay isang “jueteng” bagwoman bago naging “whistleblower” na nagbunyag sa mga pulitiko na tumatanggap ng pera sa sugal.

Noong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay itinalaga ito bilang board member ng PCSO.