Ibinunyag ni dating Cebu City Mayor Tommy Osmena sa Quad Committee na tumatanggap ng lingguhang payola na P1 million si retired policewoman at ex-PCSO General manager Royina Garma nuong siya ang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Davao City.
Ginawa ni Osmenia ang pahayag sa pagdinig ng Quad Comm ngayong araw na nag iimbestiga sa POGO, EJK, illegal drugs at human trafficking.
Nilinaw naman ni Osmenia na hindi niya kilala si Garma kasunod ng sinabi nito na personal ang kanilang hindi pagkaka unawaan.
Kinontra ni Osmenia ang pagtalaga kay Garma sa Cebu matapos nitong malaman na tumatanggap ito ng payola na nagkakahalaga ng P1 million kaya hindi niya ito matatanggap sa Cebu.
Nabatid na si SPO4 Art Solis ay hindi lamang lover ni Garma dahil dinala niya ito nuong siya ay naitalaga sa PCSO.
Inihayag ni Osmenia na may nagsabi sa kaniya na ayaw sa kaniya ni Duterte dahil sa babae at hindi dahil sa pulitika.
Ang nasabing indibidwal ay siyang nagsabi sa alkalde na itatalaga si Garma sa PCSO.
Nagpalasamat si Osmenia sa Quad Comm na nagbigay ng pagkakataon para humarap at magbigay ng impormasyon.
Sa panayam kay Osmenia, tinawag nitong mapanganib Garma.
Si Garma ay kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng Kamara dahil sa contempt na ipinataw sa kaniya.
Sa isang panayam sinabi ni Osmenia, mas mapanganib pa si Garma kay Pork barrel Queen Janet Napoles at Pharmally controvery.