Pinatawan ng contempt ng house quad committee si dating PCSO chairman Royina Garma dahil sa pagsisinungaling at hindi pagsagot sa mga tanong ng mambabatas.
Si Abang lingkod Partylist Rep. Stephen caraps Paduano ang nag mosyon na icite for contempt si Garma.
Si Garma ay ikukulong sa detention facility ng House of Representatives (HOR) hanggang sa matapos ang pagdinig ng Quad Committee.
Naging emusyunal o napahagulgol si Garma ng mag mosyon na icontempt siya.
Sa naunang mosyon ni 1 Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez na ikulong si Garma sa Womens Correctional sa mandaluyong city.
Nag mosyon naman ang dating pulis na si Rep. Bonifacio Bosita na ikulong si Garma sa PNP Custodial Center dahil isa itong pulis dati suablit nanaig ang mosyon na sa HOR siya ikulong.
Nilinaw naman ni Rep. Ace Barbers na maari namang bawiin ng komite ang contempt kay Garma kung ito ay makipag tulungan sa imbestigasyon ng Komite hinggil sa isyu ng EJK at illegal drugs.
Tinanong kasi ni Rep. Romeo Acop kung maari bang bawiin ng Komite ang contempt sa sandaling magsalita na ito at makipag tulungan sa komite.
Dumating kasi sa punto na napundi si Paduano dahil sa hindi pagsagot ni Garma sa tanong lalo na nuong tinanong ito na kung special ba siya kay dating PRRD dahil napaka juicy ng kaniyang posisyon lalo na at nag earliy retirement ito sa PNP para kunin ang posisyon sa PCSO.
“I will ask you, are you special and close to the President, former President? Yes or no na po? Walang personal? Yes or no na po?” tanong ni Rep. Paduano.
Tugon naman ni Garma, “Mr. Chair, I’m not close. Na-floating pa nga ako during his time.”
Gayunpaman hindi kumbinsido si Paduano.
“But after that, lahat na position mo juicy… Palipat-lipat ka doon sa Davao. You cannot be deployed as CIDG in Region 7 if you’re not close to the President,” pahayag ni Paduano.