Kasalukuyang nakakulong na sa detention facility ng House of Representatives si dating PCSO General Manager Royina Garma.
Ito’y matapos patawan ng contempt ng House Quad Committee Garma dahil sa pagsisinungaling at hindi pagsagot sa mga tanong ng mga mambabatas.
Bago nag-adjourn ang pagdinig ng Komite kagabi, humagulgol si Garma at iginiit na hindi siya nagsisinungaling.
Umiiyak na hiling ni Garma sa Komite na pakawalan siya dahil naghihintay sa kaniya ang may sakit na anak at hahanapin siya nito.
Tugon naman dito ni Sta Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez naiintindihan nila ang nararamdaman ng dating opisyal ng PCSO.
Sinabi ni Fernandez na ipasusundo ang kaniyang anak at dadalhin sa Kamara.
Hnggang sa ngayon hindi pa rin nakakarating sa Kamara ang anak ni Garma.
Sa panig naman ni Abang Lingkod Party List Rep. Stephen Caraps Paduano na may pruweba siya na nagsisinungaling si Garma.
Nasentro kasi ang usapin sa biyahe ni Garma na magtutungo sana ito sa Amerika para ipagamot ang may sakit na anak.
Kwento ni Garma hindi direct flight ang kaniyang nakuha kayat nag stop over sila sa Japan at ng kumuha na siya ng boarding pass, sinabi sa kaniya na kinansela ang kaniyang US Visa kaya hindi ito pwede bumiyahe.
Iginiit ni Garma na hindi niya alam kung bakit kinansela ang kaniyang US Visa.
Gayunpaman sinabi ni Paduano na hindi ang isyu sa kaniyang biyahe kung bakit cited in contempt si Garma kundi sa pagsisimula ng pagdinig nagsisinungaling na ito.