-- Advertisements --
alex balutan pcso
Former PCSO GM and retired Marine Gen. Alex Balutan during Senate probe on corruption allegations

Handa umanong harapin ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan ang anumang imbestigasyon na isasagawa ng pamahalaan.

Sinabi nito na matagal na niyang hinihintay ang nasabing imbestigasyon noong panahon pa niya.

Reaksyon ito ni Balutan sa naging pahayag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na magsasagawa sila ng lifestyle check sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng PCSO.

Hinamon din ng retired general si Senator Panfilo Lacson na pangalanan ang mga dating heneral PNP at AFP na sinasabi niyang nabigyan ng prangkisa ng Small Town Lottery (STL).

Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagpasuspinde niya sa operasyon ng PCSO ay dahil sa talamak na korapsyon.

Sa ngayon balik na ang online games lalo na ang lotto operations ng PCSO.