Ginisa ng mga mambabatas si dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma sa ginanap na ika-pitong pagdinig ng House Quad Committee kahapon.
Kinukwestyon kase nito ang pagtatalaga ni Garma ng kanyang mga kamag-anak sa PCSO na isang state-run charity corporation.
Kabilang sa tinukoy ng komite ay ang anak na babae ni Garma na itinalaga bilang confidential agent ng PCSO.
Inungkat mismo ni Laguna Representative Dan Fernandez sa ginanap na pagdinig sa umano’y mga kaso ng pagpatay sa panahon ng dating administrasyong Duterte.
Punto ng mambabatas na mayroong sinusunod na kwalipikasyon bago matalaga bilang confidential agent.
Dapat at nakapagtapos ng isang bachelor’s degree in criminal justice at mayroong law enforcement, bagay na hindi umano alam ni Garma.
Giit naman ni Garma, magaling ang kanyang anak sa pagsusulat ng report at communication.
Sa pagpapatuloy ng interpolasyon, inamin ni Garma na maging ang kanyang pinsan ay hinire niya sa administration department, isa pang pinsan bilang IT consultant, cousin in law bilang private secretary at isa pang cousin in law na hindi na tinukoy kung saang departamento.
Dahil dito, tinawag ni Rep. Fernandez ang hakbang ni Garma na unethical.