-- Advertisements --
Ilang mga sources ang nagkumpirma na nakalabas na ng bansa si dating Police Colonel at PCSO General Manager Royina Garma.
Ayon sa source November 7,2024 ng umalis ng Pilipinas si Garma kasama ang anak nito patungong Washington DC.
Itinuro ni Garma si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng extra judicial killings sa kaniyang ipinatupad na drug war.
Pinakawalan si Garma mula sa kustodiya ng House of Representatives matapos mangako itong dumalo sa pagdinig ng Komite kung siya ay iimbitahan.
Sa nagdaang pagdinig ng Komite inamin nito na mayruong reward system na pinaiiral ang Duterte administration kapag may napatay na mga drug suspeks.
Ibinunyag din ni Garma na ang anti-drug war ng Duterte administration na na pattern sa “Davao model.”