Sumuko na sa quad committee ng House of Representative si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Wilkins Villanueva.
Kinumpirma ito ni quad comm chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagsuko ni Villanueva matapos na ito ay ma-contempt.
Kasalukuyang naka-detain si Villanueva sa House Facility matapos na ito ay sumuko sa Office of the House Sergeant at Arms Napoleon Taas nitong Lunes.
Ang nasabing kautusan ay inilabas noong nakaraang December 12, 2024 hearing kung saan bilang pagdiriwang ng kapaskuhan ay ipinagpaliban nila ang pagdetina kay Villanueva.
Nagbunsod ang contempt matapos ang pag-iwas ni Villanueva sa pagdinig ng mga mambabatas ukol sa warrantless arrest at pagkakakulong kay Jed Pilapil Sy ang asawa ng hinihinalang drug lord na si Allan Sy.