Pinangalanan ni dating PDEA intelligence agent Jonathan Morales ang umano’y kaniyang confidential informant kaugnay sa kontrobersiyal na PDEA leaks sa ikinasang rally ng Kingdom of Jesus Christ members sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila, kahapon.
Matatandaan kasi na tumanggi noon ang dating PDEA official na isiwalat ang pagkakakilanlan ng kaniyang confidential informant nang ito ay tanungin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong Mayo ng kasalukuyang taon dahil nababahala ito para sa kaniyang kaligtasan.
Naging kontroberisyal nga ang naturang leaked PDEA documents matapos madawit ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga.
Pagsisiwalat ni Morales na ang matalik na kaibigan umano ni Pangulong Marcos na si Bong Daza na isa umano sa mga confidential informant ng PDEA leaks ang naglaglag sa pangulo.
Samantala, matatandaan na hinatulang guilty ng San Fernando Municipal Trial Court si Morales sa kasong perjury dahil sa pagsisinungaling nito sa kaniyang testimoniya sa drug case noong 2011. Sinentensiyahan siya ng 4 na buwang pagkakakulong at pinagmulta ng P1,000.
Home Top Stories
Ex-PDEA intel agent Morales, pinangalanan ang umano’y confidential informant sa PDEA leaks sa ikinasang rally ng KOJC members sa Maynila
-- Advertisements --