-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng 15 taon si dating Peru President Ollanta Humala at asaaw nito na si Nadine Heredia dahil sa money laundering.
Base sa prosecutor na nakatanggap umano ang partido ni Humala na Nationalist Party ng iligal na contributions mula sa gobyerno ng Venezuela.
Ginamit umano ni Humala ang nasabing pera para sa kampanya nito sa halalan noong 2006 at 2011.
Mariing itinanggi ng dalawa ang nasabing mga paratang.
Dumalo si Humala sa pagbasa ng kaniyang hatol tatlong taon noong magsimula ang paglilitis.
Habang ang asawa nito ay hindi nakadalo dahil nagtungo ito sa Brazil kasama ang anak para humingi ng asylum.
Sinabi ng abogado ng dating first lady na dadalo na lamang ito sa virtual hearing.