Pormal ng naghain ng kandidatura ngayong Sabado,Oktubre 5 si dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo para muling tumakbo sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga para sa 2025 midterm elections.
Ito na ang ikatlong termino bilang kongresista kung sakaling manalo si Arroyo.
Tatakbo si Arroyo sa ilalim ng Lakas-CMD base sa kaniyang Certificate of Candidacy na inihain sa Comelec center sa Benigno Aquino hall sa provincial capitol grounds.
Sinamahan siya ni Pampanga Gov. Dennis Pineda at pumunta din ang local leaders mula sa 6 na bayan sa ikalawang distrito para magpahayag ng kanilang suporta.
Sinabi naman ng 77 anyos na dating pangulo na ang kaniyang magiging top priority para sa kaniyang huling termino sakaling manalo na ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos gayundin ang pagtugon sa pangangailangan ng probinsiya at ng distrito.