-- Advertisements --
Sinang-ayunan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado niya si House Majority Floor Leader Martin Romualdez kapag tumakbo ito sa pagka-bise presidente sa 2022.
Sinabi ng dating kongresista at dating pangulo na “very qualified ” sa posisyon ang mambabatas.
Sinabi pa nito bilang president emiritus ng Lakas-CMD party ay pinulong niya si Romualdez na siyang party president kasama sina Senator Imee Marcos at dating Senador Bong Bong Marcos.
Tiniyak naman daw ng dalawa na handang ibigay nina Senator Marcos at dating Senator Bong Bong ang kanilang suporta sa partido.