-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga iba’t-ibang sports personalities matapos ang pagpanaw ng dating miyembro ng national football team ng bansa at Kaya FC founder Rudy del Rosario sa edad 51.

Hindi naman na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Del Rosario.

Naging bahagi siya sa men’s national team na nakilahok noon sa 16th Southeast Asian Games 1991 kung saan nagtapos sila sa pang-apat na puwesto.

Itinalaga itong team captain mula 1994 hanggang 1997 at nirepresenta ang Pilipinas sa AFF Futsal Championship 2001.

Itinaguyod nito ang Kaya FC kasama ang kaniyang mga kaibigan noong 1996 kung saan siya ang coach at player.

Bukod sa kaniyang koponan ay nagpaabot din ng pakikiramay ang Philippine Football League.