Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating postmaster general Maria Josefina Dela Cruz ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) sa kasong graft charges tungkol sa umano’y hindi tamang pag-appoint nito sa unqualified na tauhan para sa postal service.
Sa desisyon ng Sandiganbayan nabigo ang prosekutor na makapag bigay ng mga kaukulang ebidensya para ma convict si Dela Cruz sa dalawang counts ng graft at dalawang charges ng unlawful appointment na inihain ng Office of the Ombudsman.
Inakusahan si Dela Cruz tungkol sa hindi makatwirang benepisyong binigay niya sa pag-appoint kay Esther Cabigao bilang PhilPost Director III noong 2011 at Department Manager III noong Nobyembre 2013.
Na appoint si Cabigao kahit kulang ito sa kailangan na edukasyon, training at experience para sa nasabing posisyon.
Base kasi sa memorandum at resolusyon ng Civil Service Commission ang posisyon ni Cabigao ay nangangailangan ng Master’s degree, 120-oras na managerial training at limang experience bilang supervisor.
Nauna nang pinawalang bisa ng Civil Service Commission ang temporary position ni Cabigao bilang Director III noong 2011 at 2012.
Pero para sa Sandiganbayan ang prosekusyon ay bigong patunayan ‘beyond reasonable doubt’ na si Dela Cruz ay kumilos na may kinikilingan, masamang layunin, o labis na kapabayaan para lang umano ipatupad ang rationalization plan.
Dagdag pa ng anti-graft court na walang ebidensya na magpapatunay na ang pag appoint kay Cabigao ay nagdulot ng pinsala sa ahensya o party kasama na ang gobyerno.
Dahil dito, inutusan ng Special Fifth Division ng Sandiganbayan ang pagpapalaya ng bail bond at ang pagtanggal ng Hold Departure Order laban kay Dela Cruz. (Via – Bombo John Flores)