-- Advertisements --

Pagsayaw ang naging regalo ng dating “Pinoy Big Brother” winner na si Slater Young sa kanyang asawa na si Kryz Uy.

Si Kryz Uy ay isang sikat na vlogger habang si Slater Young ay nakilala sa hit reality show Pinoy Big Brother:Unlimited, kung saan siya ang kauna unahang male regular housemate big winner at binansagang “Hotshot Engineer ng Cebu.”

Hindi humingi ng anumang materyal na bagay si Kryz Uy sa kanyang asawa, ngunit mayroon itong special request ngayong pasko na kaagad namang tinupad ni Young.

Sa Instagram post ni Kryz, masaya niyang ibinahagi ang video ng dance moves ni Slater Young sa viral tiktok song na “Ting Ting Tang Tang.”

“I am one happy laughing wifey, ” wika ni Uy

Ang christmas gift umano ni Young ay ang pagsayaw ng nasabing viral song. Ipinakita rin ni Uy ang behing-the-scene clip kung saan makikita si Young na nagpapractice ng sayaw.