-- Advertisements --

Pumanaw matapos magpakamatay ang dating playmate na si Ashley Mattingley edad 33.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Christy kung saan naganap ang pagpapakamatay nito sa kanilang bahay sa Austin, Texas.

Nag-iwan pa ito ng suicide note subalit hindi na nila binanggit pa ang laman nito.

Naging Miss Playboy noong March 2011 at kinasuhan ng driving under influence noong 2016 matapos araruhin nito ang apat na kotse gamit ang golf cart.

Taong 2012 ng naging biktima ito ng domestic violence mula sa kaniyang dating kasintahan na si Lane Garrison.