-- Advertisements --
Binigyan ng pagkilala ng gobyerno ng New Zealand ang dati nilang prime minister na si Jacinda Ardern.
Inanunsiyo ni Prime Minister Chris Hipkins na mabibigyan ng pagkilala si Ardern bilang dame ang pinakamataas na pagkilala sa nasabing bansa.
Isinabay ang anunsiyio sa kaarawan ng hari ng New Zealand na siya ring official holiday.
Magugunitang noong nakaraang Enero ay bumaba sa kaniyang puwesto si Ardern.
Nanilbihan si Ardern bilang Prime Minister mula 2017 hanggang 2023.
Sinabi pa ni Hipkins na mayroong malaking papel si Ardern sa paglaban sa terorista noong 2019 at ang COVID-19 response ng kanilang bansa.
Nasa iisang partido na Labour Party sina Ardern at Hipkins na siyang pumalit sa kaniya matapos ang pagbaba nito sa puwesto.