-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng isang taon si dating prime minister Frank Bainimarama ng Fiji dahil sa kasong kurapsyon.

Ang 70-anyos na si Bainimarama ay siyang pinakamataas na politiko sa Pacific Island na nagsilbi ng mahigit 15 taon hanggan ito ay mapatalsik noong 2022.

Kinausap pa mismo kasi nito ang kaniyang kaibigan na dating police commissioner na ibasura na ang pag-aauboso sa mga gastusin sa University of South Pacific noong 2020.

Pinangakuhan pa nito ang kaibigan ng promosyon sa trabaho.

Una ng naghain ito ng not guilty plea subalit ito ay kinontra ng mga top prosecutor at kanilang inapela ang kaso.