Kinasuhan ng Pakistan police si dating Prime Minister Imran Khan sa ilalim ng anti-terrorism act.
Ito ay kasunod ng pagbabanta ng dating PM sa mga opisyal ng gobyerno sa isang public speech nito kaugnay sa umano’y pagkulong at pag-torture ng police at judiciary sa isa sa kaniyang aides na humaharap sa sedition charges para sa pag-uudyok ng pag-aalsa sa powerful military.
Daan-daang tagasuporta naman ng dating prime minister ang nagtipun-tipon sa labas ng kaniyang hilltop mansion sa capital ng Islamabad upang pigilan ang kanityang pagkakaaresto at nagbanta ang mga ito na i-take over ang Islamabad sakaling arestuhin si Khan habang ilang party leaders naman humikayat sa mga supporters na maghanda para sa mass mobilization.
Una ng napatalsik bilang prime minister si Khan nang matalo sa isang confidence vote noong Abril at naging vocal critic ng gobyerno at ng army ng Pakistan.