-- Advertisements --
Nakabalik na sa Thailand matapos ang 15 taon ang pinatalsik na dating Prime Minister na si Thaksin Shinawatra.
Ito ang unang pagkakataon na nakabalik siya sa Thailand matapos ang self-exile.
Si Thaksin na namumuno ng kilalang political dynasty at dating may-ari ng Manchester City Football Club ay nagsilbing prime minister mula 2001.
Napatalsik siya sa puwesto dahil sa kudeta ng mga sundalo noong 2006 habang dumadalo sa pagpupulong ng United Nation sa New York.
Pinatalsik ito sa puwesto dahil sa alegasyon ng kurapsyon.
Matapos ang pagdating nito sa Thailand ay inaresto na ang 74-anyos na dating lider at dinala na siya sa correctional department.