Nakatakdang makalaya na si dating Prime Minister Thaksin Shinawatra ng Thailand matapos na mabigyan siya ng parole.
Namuno si Thaksin sa Thailand noong 2001 hanggang siya ay mapatalsik noong 2006 habang nasa New York.
Bumalik siya sa Thailand matapos ang 15-taon na self-imposed exile noong Agosto 22 at hinatulan siya ng walong taon na pagkakakulong dahil sa mga kasong conflict of interest, abuse of power at kurapsyon.
Noong ito ay nakaupo pa sa puwesto ay napatunayan itong guilty dahil sa absentia noong ito ay nasa exile.
Ayon kay Justice Minister Tawee Sodsong ng Thailand na kabilang si Thaksin sa 930 na inmates na nabigyan ng parole ngayong buwan.
Ang 74-anyos na si Thaksin ay pasok sa parole dhail sa nahanay ito sa kategoryang inmates na may edad na 70 pataas na may serious chronic illness at nagsilbi ng mahigit ng kalahati ng kaniyang hatol.