-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Management Staff Undersecretary Anderson Lo bilang deputy ombudsman for Mindanao.

Sinabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar na pinirmanhan na ng Pangulo ang appointment papers ni Lo.

Tiniyak din aniya nito ang suportang ibibigay ng executive department sa Office of the Ombudsman para sa mabuting pamamalakad.

Ang posisyon ni Lo ay siyang mangangasiwa sa mga kasong kurapsyon laban sa mga local government officials sa Mindanao.