-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating Philippine National Police (PNP) chief Benjamin Acorda Jr ang akusasyon na malapit ito sa mga POGO personalities na sina Alice Guo at Tony Yang.

Sinabi nito na labis siyang nasasaktan sa mga paglabas ng mga larawan na ipinakita sa pagdinig sa senado.

Giit nito na handa siyang humarap at hindi kukurap na malinis ang kaniyang pangalan.

Hindi rin ito sangkot sa pagtakas ni Guo at wala itong tinatanggap na pera mula sa kaniya.

Sa katunayan aniya ay siya pa ang nasa likod na nag-utos na magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaka-diskubre ng mga iligal na POGO sa Bamban.

Magugunitang nagpakita ng larawan si Senator Risa Hontiveros sa pagdinig sa senado kung saan kasama ni Acorda sina Yang , ang kapatid ni Guo na si Wesley at Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay.