-- Advertisements --

Sabit ang pangalan ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr sa kaso ng umanoy drug haul operations ng ilang mga heneral at pulis noong 2022.

Pinangalanan si Azurin dahil sa pagbibigay umano nito ng go signal sa ginawang drug operations noon laban sa isang police officer ng PNP drug enforcement group (PDEG) na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo. 

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ang nasabing drug bust operation ay bahagi ng accomplishment report ng PNP at pagbibigay ng promotion sa mga nagsagawa ng operasyon.

Subalit maliit na porsiyento lamang ng kanilang nasabat na iligal na droga ang iprinisinta habang ang bulto nito at itinatago.

Aminado si  Remulla na wala na sa kanilang poder na kasuhan ng administratibo si Azurin dahil retirado na ito  nang ipasa sa kanila ang mga ebidensiya at gawin ang imbestigasyon.

Nilinaw naman ni Remulla na nariyan pa rin ang DOJ para muling isa ilalim sa pag aaral at evaluation ang mga ebidensiya at sa posibilidad na makasuhan ng criminal si azurin kung kinakailangan batay sa ituturo at mapatutunayan ng ebidensiya.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng national prosecution service na mahigpit nilang babantayan ang aktibidad at kinaroroonan ng retiradong heneral at ng iba pang pulis na hindi na aktibo sa serbisyo at nasasangkot sa kaso.

Hinihintay din aniya nila ang ipalalabas na warrants of arrest ng korte  laban sa iba pang mga pulis na aktibo pa rin ngayon o patuloy na nagsi serbisyo at nasasangkot sa  kaso kaugnay ng umanoy umanoy drug haul operation.