-- Advertisements --
AZURIN 1024x576 1

Inihayag ni dating Philippine National Police chief retired PGen. Rodolfo Azurin Jr. na wala pa siyang natatanggap na anumang formal apology letter mula sa Canadian Embassy.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa isyu ng panghaharang sa kanya ng immigration authorities ng Canada sa Vancouver.

Ayon kay Azurin, hindi niya alam kung maglalabas pa ba ng official statement of apology ang naturang embahada ngunit mas lubos aniyang maa-appreciate kung magbibigay ito ng formal letter sa kaniya na nagsasaad ng kanilang pagkilala sa pagkakamaling nagawa ng Canada Immigration.

Giit ni Azurin, hindi paso o kanselado ng Canadian Immigration ang kanyang visitor’s visa sa nasabing bansa.

Ngunit gayunpaman ay mayroon pa rin aniyang ongoing validation sa panig naturang ahensya kung papayagan ba siyang makapasok sa Canada bilang turista upang bisitahin ang kanyang mga kaanak doon na pawang mga Canadian citizen.

Kung maaalala, una nang pinaratangan ni Azurin ang kaniyang mistah at bilas na si PNP Deputy Chief for Administration LTGEN. Rhodel Sermonia ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa nasabing usapin kaugnay sa isyu ng umano’y deportation order Canada laban sa kaniya, bagay na mariing itinanggi naman ni Sermonia.