Idenipensa ni dating PNP chief Camilo Pancratius Cascolan ang kaniyang appointment bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).
Hindi na rin kasi bago para kay Cascolan at ngayon ay bagong talagang Undersecretary ng Department of Health (DOH) ang mangasiwa na may kaugnayan sa kalusugan.
Ginawa ni Cascolan ang pahayag kasunod ng tinatanggap niyang puna mula sa ilang sektor.
“My expertise on emergency response and my network and experience plays a great role in bringing health closer to the people. In many conflict areas, health is what brings people together,” pahayag pa ni Cascolan sa Bombo Radyo.
Binigyang-diin ni Cascolan na ang pamamahala sa kalusugan ay hindi lang tungkol sa medical knowledge o, maraming mga doktor sa institusyon kaya mahalaga din ang pagbalanse sa science and management and strategy.
“Managing health is not just about medical knowledge. There are many doctors in the institution but balancing science and management and strategy is very important,” dagdag pa ni Cascolan.
Naniniwala si Cascolan na malaking tulong sa Department of Health ang kaniyang expertise lalo sa administration, management and strategic planning.
Ipinagmalaki ng dating PNP chief ang mga nagawa nito noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa isang pahayag, ibinahagi ni Cascolan sa Bombo Radyo ang ilan sa mga nagawa nito lalo na ang pagtugon daw sa COVID-19.
Aniya, siya ang nag-conceptualize ng Covid Task Force at maging ang Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) ng PNP.
Kaniya rin daw binuo ang Medical Reserve Force sa PNP na siyang nag-facilitate ng RT-PCR Testing sa MOA Arena, PICC at Ultra Quarantine areas.
Sinimulan din ni Cascolan ang implementasyon ng COVID protocols noong nasa initial stage pa ang bansa sa pandemya.
“I started COVID protocols in the initial stage when everybody was in a quandary,” wika pa ni Cascolan.
Ang kaniyang experience sa ground at ang pakikipag-ugnayan sa mga LGUs ang isa sa mga factor na mailapit ang departamento sa mga tao.
Si Cascolan ay miyembro ng PMA Class of 1986 at mistah niya si Senator Ronald Dela Rosa.
Bago siya itinalaga bilang undersecretary ng DOH siya ang Executive Director ng Anti-Terrorism Council- Program Management Center hanggang sa kasalukuyan.