-- Advertisements --
Ilang buwan matapos ang pagreretiro, binigyan ng posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired PNP Chief Gen. Camilo Cascolan.
Si Cascolan ay nabigyan ng puwesto bilang Undersecretary sa Office of the President.
Itinalaga si Cascolan bilang Chief PNP noong Setyembre 20, 2020 at nagretiro noon ding Nobyembre 2020.
Si Cascolan ay pang-apat na Chief PNP sa ilalim ng Duterte Administration at miyembro ng PMA Class 1986.
Isa din si Usec. Cascolan sa mga nag-draft ng PNP Oplan: Double Barrel na ang target ay mga malalaking isda sa illegal drugs industry, gayundin ang Oplan Tokhang.