Sinurpresa ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa ang mga inmates ng National Bilibid Prisons (NBP) ng magsagawa ito ng surprise inspection ilang araw bago ito mag assume sa kaniyang bagong pwesto bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).
Nais kasi ni Dela Rosa na i check ang ulat na ilang mga high profile convicted drug lords kung saan ito nakakulong ngayon.
” Check ko lang whereabouts ng high profile drug lords na inilipat sa medium security compound but I was told that they have been transferred back to Building 14,” mensahe ni Dela Rosa.
Pero iniulat sa kaniya na inilipat na sa Building 14 ang mga convicted high profile inmates.
Pagbibigay-diin ni Dela Rosa na sa Lunes, personal niya itong klaruhin at aalamin kung totoong nasa Building 14 na ang mga ito.
Layon kasi ng dating PNP chief na hindi magkakaroon ng access ang mga convicted drug lords sa mga kapwa inmates.
Naniniwala si Dela Rosa na mas delikado na mailipat ang mga ito sa medium security compound dahil magkakaroon ang mga ito ng mga bata-bata, sidekick, mga alalay, at ma-transfer nila ang technology at trade secret.
Tinungo din ni Dela Rosa ang Reclassification Diagnostic Center of Bilibid, kung saan nananatili ang 1,700 na mga bagong convicts.
Giit ni Dela Rosa na parehong bago ang mga ito kagaya niya kaya tawag niya dito na kaniyang mga ka kosa.
Mula sa Reclassifaction and Diagnostic Center ika classify ang mga convicts kung ilalagay sila sa medium, maximum o minimum security compound.
Ayon pa sa dating PNP chief , isa sa mga tututukan niya ay kung paano tulungan ang mga matatandang preso na may edad 60-anyos pataas.
Inihayag din nito na gagawan niya ng paraan na magkaroon ng pader malapit sa maximum security compound at gagawing restricted sa mga tao, dahil dito daw kasi dinadaan ang mga kontrabando.
Bukas, Lunes, May 7, 2018, pangungunahan ni Dela Rosa ang Flag raising ceremony sa Bilibid.
Magkakaroon ito ng command conference at magsasagawa ng inspection sa mga facilities.
Pagtiyak nito na kaniyang, pupuntahan ang building 14 kung saan nakakulong ang mga high profile inmates.