-- Advertisements --
Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si dating PNP chief Guillermo Eleazar para sa pagka-senador.
Pero una rito, naghain muna ng withdrawal sa pagtakbo bilang senador si Reporma senatorial aspirant Paolo Capino.
Kasunod nito ay pumasok na si Eleazar sa area kung saan tinatanggap ang mga dokumento para sa mga magwi-withdraw at magsu-substitute.
Kung maalala, si Gen. Eleazar ay kareretiro lamang na PNP chief noong Nobyembre 13 at pinalitan siya ni Lt. Gen. Dionardo Carlos.
Samantala, kabilang din sa mga naghain ng substitution at withdrawal ang Moro Ako, Visaya Gyud, Kapamilya at Damayan Partylist.
Nag-withdraw naman sa senatorial race si Joseph Jocson.