-- Advertisements --
cascolan

Patuloy na umaani ng iba’t ibang mga reaksiyon mula sa ilang sektor sa bansa ang pagtatalaga ng Pangulong Marcos kay dating Philippine National Police chief at retired General Camilo Cascolan bilang bagong Department of Health (DOH) Undersecretary.

Ayon sa grupong Akbayan ang kasalukuyang health crisis ay hindi umano isang law enforcement problem kaya kinikwestyon nila ang appointment ni Cascolan.

Giit pa ng grupo hindi raw on-the-job training (OJT) ang posisyon ng DOH Undersecretary.

Para naman kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III malaking sorpresa sa kanya ang paghirang kay General Cascolan.

Para naman kay Senator Risa Hontiveros na nagmula rin sa minority ay nagsabi na kung tutuusin mas maigi sana kung ang naitalaga ay may sapat na qualifications, expertise, at active sa public health sector.

Gayunman, iginagalang pa rin daw ni Hontiveros ang kanyang kaibigan na si Cascolan at mistah sa PMA, bilang siya ay adopted member.

Sa naging panayam din ng Bombo Radyo sa presidente ng Alliance of Health Workers na si Robert Mendoza, ipinaabot din nila ang hindi pag-sangyon sa appointment ni General Cascolan sa Department of Health.