-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Philippine National Police (PNP) chief. General Oscar Calderon sa edad na 73.

Sinabi ng kaniyang kaanak na namayapa si Calder
on nitong Marso 8 subalit hindi na sila nagbigay ng anumang detaye.

Nakaburol ito ngayon sa Heritage Park Chapels 9 at 10 sa Taguig mula Marso 11 hanggang 13.

Dadalhin naman sa Camp Crame ang bangkay nito sa Marso 14 para sa necrological rites at sa Marso 15 naman ang libing nito sa Heritage Park.

Si Calderon ay PMA Class of 1973 kung saan naging director din ito sa Police Regional Office 3 at Pangulo ng Police Anti-Crime Emergency Response.

Naging PNP chief si Calderon mula Hulyo 5, 2006 hanggang Oktubre 1, 2007.