-- Advertisements --

Nakatakdang itakwil ng PNPA Sansinirangan Class 2007 ang isa nilang kaklase na sangkot sa isang scamming activites.

Ayon kay PNPA Class 2007 President Police Chief Inspector Jefferson Ison, mariin nilang kinokondena ang ginawang panloloko ng kapwa nila alumnus at kaklase na si dating Police Inspector
Jay-are Olaguera.

Sa ngayon isang class resolution ang kanilang inilabas para tuluyan na nilang itakwil si Olaguera.

Pagtiyak ni Ison na kailanman hindi nila ito tolerate ang mali at iligal na gawain ni Olaguera.

Hinimok din ng opisyal ang lahat ng mga naging biktima ng kanilang classmate na lumantad at magsampa ng kaso laban dito.

” Our class denounce his acts and a resolution will be endorsed for his dismembership in our class to be forwarded to the PNPAAAI for the same purpose,” mensahe ni Ison.

Giit ni Ison, dapat lamang managot si Olaguera sa kaniyang ginawa maging ang misis nito.

Naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nuong Martes, March 27 si Olaguera matapos tangkain nitong i iskam sa Camp Crame si PSupt. Roland Bulalacao.

Taong 2008 ng tuluyan na siyang tanggalin sa roster ng pambansang pulisya.

” We are praying that his act will not tarnish our class image most especially the whole PNPAAAI organization,” wika ni Ison.