-- Advertisements --

Nanalo bilang bagong mayor ng New York City ang Democrat candidate na si Eric Adams.

Si Adams na dating New York City police captain ay tinalo ang Republican candidate na si Curtis Sliwa.

Si Adams ang ikalawang uupong Black mayor sa tinaguriang most populous city sa Amerika.

Ang 61-anyos na si Adams ay pormal na uupo sa puwesto sa January 1, 2022.

Malaking hamon ang gagawin ng bagong alkalde lalo na at sa siyudad lamang ng New York ay nasa 34,500 na ang namatay dahil sa COVID-19, habang bagsak din ang ekonomiya dahil sa epekto ng pandemya.