-- Advertisements --

CEBU CITY – Nasa kustodiya ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ang isang naka-AWOL na police officer matapos itong makuhanan ng iligal na droga sa isang anti-drug operation sa Brgy. Poblacion, bayan ng Pinamungahan, Cebu.

Huli sa naturang operasyon ang high value target na si former police Corporal Christian Ando, 34, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay intelligence chief Lt. Col. Marlu Conag, matagal nilang minamanmanan ang iligal transaksyon ni Ando kaya naman nasabat ang P80,000 na halaga ng shabu mula sa dating pulis.

Ibinunyag ni Conag sa kanilang tactical interriogation na inamin ni Ando kung saan nanggaling ang nasabat na shabu kaya naman nahuli ang supplier at nasamsam ang kilo-kilong shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Napag-alaman na dalawang linggo nang absent without leave si Ando sa kanyang trabaho sa Lapu-Lapu City Police Station 2 noong 2018 dahil na-hold umano ang allowance nito.

Dagdag pa ni Conag na nakulong na rin noon ang dating pulis sa kasong carnapping at kinalaunan nakalaya ito matapos na makapagpiyansa.

Nahaharap ang AWOL na police officer ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.