-- Advertisements --

ILOILO CITY – Huli ang isang absent without leave (AWOL) na pulis matapos ginahasa ang kanyang kasambahay sa Iloilo.

Ang arestado ay si Leonaldi Salagumba Soberano, 58-anyos, at nahuli sa San Fernando City, Pampanga.

Samantala ang biktima naman ay si alyas Massy, nasa wastong gulang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PMaj. Nestro Acebuche, pinuno ng Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit, sinabi nito na si Soberano ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape at Attempted Homicide.

Nakuha rin sa posisyon ni Soberano ang matataas na kalibre ng armas at magazine.

Nakatakda namang dalhin pauwi sa Iloilo si Soberano.